Ni Brian Yalung

MULING paiigtingin ang damdamin ng Pinoy sa larong basketball sa ipalalabas na ‘Barangay 143’ – ang kauna-unahang basketball-theme anime series sa bansa.

BARANGAY 143 basketball anime

BARANGAY 143 basketball anime

Pangungunahan nina PBA legend Benjie Paras at basketball-celebrity Doug Kramer ang mga actor na magbibigay ng boses sa mga karakter sa naturang anime series.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Maihahalintulad sa Japanese manage series na “Slamdunk’, ang Pinoy basketball anime ay ipalalabas sa October 21. Nakalinya ang istorya ng anime series kay Bren Park (Migo Adecer), isang basketball star sa Korea.

Bunsod ng samu’t-saring kaganapan sa kanyang buhay, nagdesisyon si Bren na hanapin ang sarili kung saan nakarating ang kanyang paglalakbay sa Manila. Sa kanyang paninirahan sa Barangay 143 sa Tondo, Manila kasama ang kanyang yaya na si Tita Baby (Lorna Tolentino), matatagpuan niya ang kasiyahan sa sports ng basketball.

Mapapanisn ang kanyang talento ni Coach B (John Arcilla) ng Barangay 143’s Puzakals basketball team. Tulad ng pangkaraniwang pamumuhay, kipkip ng pagsubok ang kanyang pakikipagsapalaran, ngunit may matatagpuan ding pag-ibig kay Vicky (Julie Anne San Jose), anak ng kanilang coach, gayundin ang hidwaan kay Wax (Ruru Madrid), ang star player ng karibal na koponan.

Bukod sa basketball, bahagi rin ng “Barangay 143” ang pagkakaibigan, pag-ibig at pagsubok na nararanasan sa buhay. Kabilang dito ang pagbabalik pag-ibig sa iniwang si Jinri (Kelley Day) sa Korea.

Kasama rin sa cast sina Edu Manzano, Cherie Gil, Alice Dixson, Teresa Loyzaga, Raver Eda, Pen Medina, Archie Alemania, Ping Medina, Jerald Napoles, Roadfil Macasero, Kimpoy Feliciano, gayundin sina Cheska, Kendra and Scarlet Kramer.

“Our labor of love - Barangay 143 is finally going to be on TV in the Philippines. It’s been exciting to work with some of the best talents the world of animation has to offer and I am looking forward to the fruits of our hard work being,” pahayag ni Jackeline Chua, managing director ng Synergy88 Entertainment Media Inc.

Ang Barangay 143 ay co-production ng Synergy88 Entertainment Media Inc. (Philippines) kasama ang August Media Holdings (Singapore), TV Asahi (Japan) at ASI Animation Studio.

Ipalalabas ang Barangay 143 sa October 21 sa GMA-7 simula 10:00 ng umaga.