WINALIS ng University of Santo Tomas ang women’s at men’s championships sa UAAP Season 81 table tennis championship nitong Lunes sa UP CHK Gym.

WINALIS ng UST ang UAAP Season 81 women’s and men’s table tennis championships

WINALIS ng UST ang UAAP Season 81 women’s and men’s table tennis championships

Tinuldukan ng Tigresses ang apat na taon na dominasyon ng De La Salle sa women’s division sa makapigil-hiningang 3-2 panalo sa Finals.

Pinataob naman ng Growling Tigers ang National University Bulldogs, 3-2, sa men’s Finals para makumpleto ang 16-0 marka ngayong season.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakamit ng UST ang record 27th men’s title sa sports,habang kinabig ng distaff side ang league-best 13th championship.

Sumegunda lamang ang Tigresses sa Lady Paddlers, awtomatiko sa Finals matapos ang 14-0 sweep sa elimination.

Sa kabila ng pagiging dehado, naisalba ng UST ang hamon nang gapiin ni Shaeena Ronquillo si Jhoana Go, 11-5, 6-11, 11-8, 9-11, 11-6, sa deciding singles para makumpleto ang come-from-behind win sa series at tapusin ang 12-taong kabiguan.

Sa men’s side, tinangka ng Bulldogs, binubuo ng limang rookie, na makasabay sa Tigers, subalit bigo silang makahanap ng porma.

Naiuwi rin ng UST ang MVP title pata kina Katrina Tempiatura at Paul Que.

Tinangahal namang ‘Rookie of the Year’ sina Josh Castro ng Tigers at Jannah Romero ng Lady Paddlers.

Sa juniors table tennis, nakamit ng University of the East ang boys’ title kontra UST, 3-1 at 3-0, sa best-of-three series. Nakumpleto ng UE ang golden double sa girls team nang magwagi sa De La Salle-Zobel, 3-0 at 3-2.

Nakamit nina UE’s Bill Christian Perez at Ana Sofia Fabregas ang MVP title.

-Marivic Awitan