Sinimulan na kahapon ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang bagong sistema sa pagpila ng mga pasahero sa North Avenue Station nito sa Quezon City.

Sa abiso ng MRT-3, hindi na sa tapat ng isang motel magsisimula ang pila patungo sa North Avenue Station.

Pipila na ang mga pasahero sa bahagi ng Raberly UK Center, at dalawang pila ang ilalaan para sa kanila.

Ang pila naman para sa priority passengers gaya ng mga buntis, senior citizens, mga persons with disabilities (PWDs) at mga pasaherong may kasamang mga bata ay mananatili sa tapat ng motel.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga bus mula Caloocan City ay papayagan lamang magbaba ng pasahero mula sa Forland hanggang Raberly U.K. Center.

Ang mga pasahero ng Point to Point o P2P buses ay maaaring pumila sa designated line na matatagpuan malapit sa terminal ng mga naturang sasakyan.

Tiniyak naman ng MRT-3 management na nakaalalay ang mga security personnel at tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), upang gabayan ang mga pasahero.

-Mary Ann Santiago