SA pamamagitan ng Twitter, nagpasalamat si Regine Velasquez sa mga dumedepensa sa kanya laban sa ilang viewers na nagalit sa singer nang umalis sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN.

Regine copy

“Para sa lahat ng sumusuporta sa akin maraming maraming salamat sa pagtatanggol nyo sa ‘kin, naging kasama ko kayo sa lahat ng pinagdadaanan ko. Sana ‘wag kayong magsawa. Love you guys, thank you again,” tweet ni Regine.

Ikinatuwa ni Regine ang suporta sa kanya ng fans na nangakong handa siyang ipaglaban sa mga nagtampo at nagalit na fans dahil sa paglipat niya ng network. Natawa pa si Regine na nagsabing sila ang mga “baklang kawal” na magpoprotekta sa nag-iisang reyna.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, sa nakita naming press release ng ASAP para sa gagawing show sa Sydney, Australia, sa October 20, isa si Regine sa special guest. Special guests din sina Paulo Avelino, Yassi Pressman, Pia Wurtzbach, Cristine Reyes, Ariel Rivera, at Randy Santiago.

Anyway, ang balita ay ngayong araw ang contract signing ni Regine sa ABS-CBN, sabay na rin ang presscon. Ihahayag na rin siguro ang mga show na gagawin ni Regine sa Kapamilya Network. Isa raw dito ang Philippine Idol, na siya ang host.

Ikinatuwa naman ng Kapuso fans at ng viewers na sumubaybay sa Sarap Diva ang pagre-retweet ng Songbird sa promotion ng Sarap ‘Di Ba?, na papalit sa Sarap Diva. Si Carmina Villarroel na ang host ng show kasama ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi. Sa October 20, ang pilot ng show.

-NITZ MIRALLES