SINAMAHAN ni Harlene Bautista ang kuya niyang si incumbent Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista nang mag-file ang huli ng Certificate of Candidacy (COC) sa local office ng Commission on Elections (Comelec) sa Quezon City last Monday. Dumating din to support Hero sina incumbent Vice Mayor Joy Belmonte at si incumbent 3rd District Councilor Gian Sotto. Sina Vice Mayor Joy at Gian ang magka-tandem sa local electiona sa May, 2019, bilang mayor at vice mayor ng Quezon City, respectively.

Harlene

After the filing, nagtuloy sa Salu, na pag-aari at mina-manage ni Harlene, ang lahat ng sumama sa COC filing ni Hero.

Sa nasabing event, pumayag na si Harlene na magsalita tungkol sa paghihiwalay nila ng asawa for 19 years niya na si Romnick Sarmenta. Noong una kasi naglabas lang ng official joint statement ang mag-asawa tungkol sa pagwawakas ng 19 taon nilang pagsasama. Maraming nagulat at naging interesado sa paghihiwalay nila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Kasi po siguro dahil parang faily tale ang pagsasama namin ni Romnick; walang intriga, walang issue ng bugbugan, kaya maraming nagulat,” sabi ni Harlene. “Noong una kasi, ako lang. Pero later on, matapos naming mag-usap nang masinsinan, naging mutual decision na (ang hiwalayan), kaya naglabas na kami ng official joint statement.”

Kumusta na siya ngayon? Wala ba talagang third party sa hiwalayan nila? Nawala na ba ang pagmamahal niya sa dating asawa?

“Masaya na po ako ngayon, kasi hindi naman ito biglaan, marami nang nangyari. At finally, pareho na kaming nag-decide.

“Wala po, walang third party sa aming dalawa. Hindi po nawawala ang pagmamahal, nag-iiba lang siguro ng level. Mahal ko po siya dahil siya ang ama ng mga anak ko, mahal ko siya dahil naging magkaibigan kami, dahil may pinagsamahan kami. Napakabait, mapagmahal na tatay si Romnick. Mas okay na po kami nang ganito.

“Umiyak po ako after, pero okay na ako, hindi naman pwedeng lagi na lamang akong iiyak. At sana happy na rin siya.”

Magmamahal ba siyang muli?

“Opo, sinabi ko rin sa kanya iyon. Sabi ko gusto kong magkaroon muli ng mamahalin, sana ganoon din siya. Ayaw ko pong tumanda na mag-isa lang ako, gusto ko may kasama akong mamahalin at aalagaan at mayroon ding magmamahal at mag-aalaga sa akin.”

Paano kung sa paghahanap nila ay wala silang nakita, puwede bang magkabalikan sila muli?

“Panahon po lang ang makapagsasabi. Noong boyfriend ko siya, nagkahiwalay din kami. After 12 years saka lamang kami muling nagkita. After two months nagpakasal na kami, at after 19 years naghiwalay kami. Baka hindi pa po rito natatapos kaming dalawa, tingnan natin.”

Wala pang issue ng annulment between Harlene and Romnick, basta inaayos muna nila ang mga bagay na dapat ayusin.

Ano ang reaksiyon ng apat nilang anak ni Romnick at ng first child ni Harlene kay Direk Rico Gutierrez?

“Medyo naguguluhan pa sila, pero kinausap namin silang mabuti ni Romnick. Siguro po maiintindihan din nila iyon. Sa ngayon po naman magkaibigan ang turingan namin ng kanilang ama. Siguro po, move on na kaming lahat.”

Kahapon, October 16, ay umalis si Harlene papuntang New York para mag-attend ng Manhattan International Film Festival. Entry sa nasabing film fest ang movie niyang Kiss, na pinagbibidahan nina Kiko Matos at Mercedes Cabral. She will stay there for eight days at babalik siya in time sa kanyang 45th birthday sa October 28.

-NORA V. CALDERON