WALA sa hinagap ni 3rd District Quezon City Councilor na papasukin din niya ang pulitika tulad ng amang si Senator Tito Sotto. Aniya, Grade 3 pa lamang siya nang maging Vice Mayor ang ama sa Quezon City.

Gian copy

“Doon ko po nakita ang dedication ng daddy ko sa trabaho niya bilang isang public servant,” kuwento ni Gian nang makausap namin nang samahan nila ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, na mag-file si Coun. Hero Bautista ng ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec.

“Nakita ko kung paano siya mag-ikot sa mga barangay, kausapin ang mga tao, at mag-conduct ng medical missions sa mga less fortunate na kababayan. Nasa isip ko po noon na parang hindi pala ito naiiba sa mga ginagawa ni Daddy at nina Tito Vic Sotto at Tito Joey de Leon sa ‘Eat Bulaga’,” para silang public service program na tumutulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng programa.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Kaya po nang magkaisip ako at kinausap ko si Daddy tungkol sa balak kong pagpasok sa pulitika, na hindi ko naman naisip noon, sabi ni Daddy ganoon din daw siya, wala sa isip kundi ang makatulong lamang sa mga nangangailangan. At naging modelo ko nga po ang mga nasa ‘EB’, nakikita ko kung paano nila pasayahin ang mga manonood at kung paano nila tulungan ang mga nangangailangan. Lalo na ngayon na isa na rin akong family man, mas lalo ko gustong maglingkod sa mga tao.”

Pagiging Vice Mayor na nga ng Quezon City ang tatakbuhan ni Coun. Gian at ka-tandem nga niya si Vice-Mayor Joy Belmonte. Ang sabi, ang mahigpit niyang kalaban ay ang kapwa niya konsehal din na si Roderick Paulate. Puro good words ang sinabi niya sa kanyang Kuya Dick na dati na ring nakasama ng mommy niyang si Helen Gamboa at madalas ding mag-guest sa EB. Hindi raw niya itinuturing na kalaban si Roderick.

“Hindi pa po kami nagkakausap ni Kuya Dick. Hindi ko po kasi tinitingnan na ang public service is a competition, hindi po tungkol sa aming dalawa. Tinitingnan ko ito kung paano ko paglilingkuran ang mga tao. Bahala na ang mga tao kung sino ang pipiliin nila, kung sino ang makapag-represent sa kanila.

“Wala akong kinakalaban, wala akong enemies or anything,” nakangiting sabi ni Councilor Gian.

-NORA V. CALDERON