INILABAS nitong Lunes ang huling akda ni Stephen Hawking, na tumatalakay sa isyu ng “existence of God to the potential for time travel,” na tinapos ng kanyang mga anak matapos ang pagkamatay ng British astrophysics giant.

Stephen Hawking

Paulit-ulit nang natatanong kay Hawking ang nag-iisang tanong at sinimulan niya ang librong”Brief Answers to the Big Questions noong nakaraang taon, ngunit hindi na nagawang matapos bago ito mamatay nitong Marso sa edad na 76.

Itinuloy naman ito ng pamilya ni Hawking katulong ang mga naging katrabaho ng cosmologist sa akademya.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“He was regularly asked a set of questions,” pahayag ng kanyang anak na si Lucy Hawking sa Science Museum ng London.

Ang libro ay tumatalakay sa pagsisikap “[to] bring together the most definitive, clearest, most authentic answers that he gave.”We all just wish he has here to see it.”

Inilaan ni Hawking ang kanyang buhay sa pagsisiwalat ng mga misteryo sa kalawakan.

Unang siyang sumikat noong 1988 dahil sa kanyang akdang A Brief History of Time, na naging worldwide bestseller.

AFP