PORT MORESBY (AFP) – Magtatalaga ang Papua New Guinea ng banyagang fighter jets at special forces para protektahan ang world leaders na dumadalo sa malaking pagpupulong sa Asia-Pacific sa susunod na buwan sa magulong kabiserang Port Moresby, sinabi ng mga opisyal.

Malawakang security operation ang inilalatag ng gobyerno para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit simula Nobyembre 17, na dadaluhan ng mga kinatawan mula sa 21 bansa.

Kabilang sa mga dadalo sina Chinese President Xi Jinping at US Vice President Mike Pence, na hindi naman matutulog sa lungsod kundi sa Australia magpapalipas ng gabi.

Dahil sa kakulangan ng hotel accommodation, karamihan sa 15,000 delegado ay manunuluyan sa tatlong cruise liners na nakadaong sa port, na lalong magpapakumplikado sa seguridad. Kahit na itinuturing na maliit ang banta ng terorismo sa PNG, kilala ang bansang Melanesian sa mga kaguluhan at bayolenteng krimen.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Upang matiyak na ligtas ang mga delegado sa krimen at posibleng terror attacks, kinuha ng gobyerno ang tulong ng militar mula sa Australia at United States upang tiyaking ligtas ang mga lansangan ng kabisera.

‘’It’s a major undertaking, but it’s very, very important when it comes to promoting the country economy-wise,’’ sinabi ni Justin Tkatchenko, ang minister na responsable sa pagpaplano sa summit. ‘’We’ve never had leaders like this before ever come to this area.’’