Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at pulis laban sa pagsali at pagkampanya sa mga pulitiko.
Sinabi ng Pangulo na kailangan ay maging neutral ang mga ito sa nalalapit na halalan.
“Let us make a deal here, promise. I make a commitment to the Filipino people. This election strictly neutral tayong lahat. The Armed Forces, police and the uniform personnel of government, I am asking you not to indulge in partisan politics wala tayong susuportahan. Yung mga kandidato ko ako lang because this is political position. But I expect everybody to respect that constitutional provision,” sabi ni Duterte.
Tiniyak din ng Pangulo na walang magaganap na pandaraya sa halalan sa Mayo.
Ngayon ang huling araw para magsumite ang mga kakandidato ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Director Frances Arabe, pinuno ng Education and Information Division (EID) ng Comelec, walang plano ang komisyon na palawigin pa ang panahon para sa filing ng COC, na sinimulan noong Oktubre 11.
“’Yung lahat nang nandito na sa Comelec building by 5 ng hapon, ay i-entertain po namin yan. So pag nakapasok na po kayo ng Palacio del Gobernador with your COC, na-number-an po namin lahat yan at 5:00pm, and then we will finish the line at queue. So yun po yung policy natin,” paliwanag ni Arabe. “So, after our numbering, wala na po kaming ie-entertain.”
Nagpaalala rin ang Comelec sa mga kandidato na gumamit ng bagong COC form sa paghahain ng kanilang kandidatura.
-BETH CAMIA at MARY ANN SANTIAG