Lumagda ang Bureau of Customs (BoC) at ang Philippine Coast (PCG) sa isang memorandum of agreement (MOA), na nagbibigay ng mga patnubay sa pagsasagawa ng anti-smuggling joint operations.
Nilagdaan ang memorandum nina Customs Commissioner Isidro Lapena at Coast Guard Commandant Elson Hermogino.
Sa ilalim ng MOA, sumang-ayon ang Coast Guard sa paggamit ng tatlong fast patrol vessel (FPV) nito sa magkasanib na operasyon laban sa pagpasok ng mga ipinagbibiling kalakal, paghadlang at panunupil ng smuggling at iba pang pandaraya sa Customs.
May apat na FPV ang Coast Guard na ginagamit sa panahon ng kalamidad at relief operation, pagpapatupad ng mga batas sa maritime, pagmamanman ng mga pantalan at mga puwerto.
Apat na Customs Officers at isang Customs Police Officer ang itatalaga sa FPV.
Ang Customs at Coast Guard ay pinahintulutan ng batas na sumakay, magsiyasat, maghanap at magsuri ng isang sasakyang-dagat at lahat ng uri ng mga barkong merchant at mga sasakyang pandagat at anumang container, trunk, packages, mga kahon o sobre na makikita at pisikal na maghanap at suriin sinumang tao sa loob ng teritoryo ng Philippine Customs at maritime jurisdiction sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.
-Mina Navarro