MARAMING nag-like sa ipinost na picture ni Kris Bernal sa kanyang Instagram (IG) na nakaw tingin ang kanyang biceps. Kitang kita ang muscles sa braso ni Kris at katas ito ng pinagpaguran niyang workout sa gym. Maliit si Kris sa personal at napapayatan sa kanya ang ibang tao.

Kris copy

Kinukulit nga si Kris na mgpataba dahil hindi raw bagay sa kanya ang payat. May nagpayo pa nga sa kanya na itigil ang pagwu-workout dahil hindi raw bagay sa height niya.

Ngayong ipinakita ni Kris ang resulta ng pagwo-workout niya, marami ang nainggit, at nagtanong kung paano raw magkaroon ng muscle na gaya sa muscle niya. May na-inspire at gaya niya ay magwu-workout na rin. Nais pa ngang gayahin ang workout routine na ginagawa ni Kris. Napahiya ngayon ang mga namba-bash sa kanya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pati mga kaibigan ni Kris sa showbiz ay nainggit sa biceps niya, gaya ni Bela Padilla na napa-comment ng, “Gandaaa!”

Sinagot siya ni Kris ng, “@bela Mana sayo! Pero mas maganda ka! Hindi ko namana yung puti mo and height mo mamsh! And yung brain cells mo! Hahahaha!”

Samantala, simula sa October 22, muling mapapanood sa Afternoon Prime slot ng GMA-7 si Kris dahil bibida uli siya sa teleserye na Asawa Ko, Karibal Ko, sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz. Controversial ang tema ng teleserye na tungkol sa transgender na magiging karibal ang dating asawa sa pag-ibig ng isang lalake.

Nagpaopera ang asawa ni Kris para maging babae, na ginampanan ni Jason Abalos at kapag naging transgender na ay gagampanan naman ni Thea Tolentino.

“Mabigat na tema na naman ito, puro iyakan na naman, pero nagpapasalamat ako na sa akin ipinagkatiwalang ibigay ang role at karakter ni Rachel. Thankful ako na magaganda ang project na ibinibigay sa akin dahil nakakatulong sa akin as an actress. Proud ako sa concept ng ‘Asawa Ko, Karibal Ko’, mate-test na naman ang tatag ko sa pag-iyak. Napagod ako sa walang tigil na pag-iyak sa ‘Impostora’ at mukhang mangyayari rin dito, kaya pinaghandaan ko,” wika ni Kris.

Makakasama rin ni Kris si Rayver Cruz as Gavin na crush pala ni Kris noong wala pa siya sa showbiz. Hindi nito ikinahiyang ikuwento na ini-stalk niya dati si Rayver, kaya ngayong makakatrabaho na niya ang aktor ay tuwang-tuwa siya.

-Nitz Miralles