BALIK-TRABAHO na si Ariana Grande matapos makipaghiwalay sa kanyang dating fiancé Pete Davidson, kasama ng pangako sa kanyang mga fans na hindi siya mawawala sa A Very Wicked Halloween “for the whole universe”, iniulat ng Cover Media.

Ariana Grande copy

Dumaan sa matinding pagsubok ang 25-anyos na singer nitong mga nakaraang buwan, matapos ang biglaang pagkamatay ng kanyang ex-boyfriend na si Mac Miller noong Setyembre at ang pakikipaghiwalay niya sa Saturday Night Live star fiancé niyang si Pete, na nagkansela ng kanyang ilang show nitong nakaraang linggo.

Nitong Lunes, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nangako ang No Tears Left to Cry star sa kanyang mga tagahanga na hindi niya igigive up ang pagkakataon na lumabas sa NBC special, na nagdiriwang ng kanilang ika-15 anibersaryo ng musical na Wicked sa Broadway.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

Kasama ng script page na may lyrics mula sa tono ng The Wizard and I, sinabi ni Ariana na siya ay “honoured to be included in this celebration of 15 years of my favourite musical of all time. wouldn’t miss it for the whole universe.”

Lumabas ang post ng singer, matapos magbigay ng suporta sa kanya ang kapatid na si Frankie kasama ng video nito kung saan niya sinabing: “Good morning to my beautiful, beautiful sister. I love you so much and you’re with me right now in Iceland.”