HINDI pa man, nagpapakita na ng takot si WBO bantamweight champion Zolani Tete ng South Africa kay Filipino Nonito Donaire Jr. makaraang piliin niya ang hahamunin nitong si WBA bantamweight champion Ryan Burnett ng United Kingdom sa semifinals ng World Boxing Super Series.

Tinalo ni Tete sa 12-round unanimous decision si No. 10 contender Russian Mikhail Aloyan sa quarterfinals ng WBSS para sa Muhammad Ali Trophy noong Linggo sa the Ekaterinburg Expo, Ekaterinburg, Russia.

Bagamat pinuri ni Tete si Aloyan na may apat pa lamang na laban bago humarap sa kanya, batid niyang pinakamatinding makakaharap si Donaire na nagbalik sa bantamweight division mula sa featherweight diadem.

“It was a good fight. “My jab and footwork were decisive,” ayon kay Tete na napaganda ang kartada sa 28 panalo, 3 talo na may 21 pagwawagi sa knockouts. “Aloyan proved he is one of the best by going 12 rounds with me. He is a clever fighter who will become a world champion one day.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Maghaharap sina Burnett at Donaire sa quarterfinals sa Glasgow, Scotland sa Nobyembre 3 para sa WBA Super bantamweight crown at bakanteng WBC Diamond bantamweight title na ang magwawagi ay kakasa kay Tete.

“I wish Ryan Burnett will win, and I think he will. I always wanted to meet him,” sabi ni Tete na hindi malilimot kung paano pinatulog ni Donaire si Mexican Fernando Montiel sa 2nd round nang agawin ng Pinoy boxer ang WBC bantamweight title noong 2011 sa Las Vegas, Nevada.

May rekord si Donaire na 38 panalo, 5 talo na may 24 pagwawagi sa knockouts samantalang si Burnett ay may kartadang perpektong 19 panalo na may 9 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña