NAUNGUSAN ng Quezon City Junior Capitals ang Caloocan Supremos All-Star, 92-90, para manatiling tanging koponan na may malinis na marka at kunin ang liderato sa Northern Division ng Metro League Open Tournament nitong weekend sa Paranaque Sports Hall.

Cyrus Tabi ng QC Junior Capitals (Metro League images)

Cyrus Tabi ng QC Junior Capitals (Metro League images)

Pinangunahan ni PBA draft applicant Cyrus Tabi ang ratsada ng Junior Capitals sa naiskor na game-high 25 puntos, tampok ang siyam sa puntos sa matikas na pagbangon ng QC mula sa 13 puntos na paghahabol sa final period.

Naisalpak ni Tabi ang driving lay-up para maitabla ang iskor sa 85-all may 1:54 ang nalalabi sa laro, bago nasundan ng three-point play para sa 88-86 bentahe tungo sa huling 1:23 ng laro.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tuluyang nakontrol ng Quezon City ang laro sa short jumper ni Tabi para sa 92-88 bentahe may limang segundo ang nalalabi. Nakamit ng Quezon City ang 4-0 marka, habang naputol ang three-game winning run ng Supremos All-Star.

Sa iba pang laro, ginapi ng San Juan-Big Chill ang Las Pinas Home Defenders, 92-80, sa pangunguna ni Joshua Saret na kumana ng 26 puntos.

Nanguna sa panig ng Las Pinas si David Israel Sta. Rosa na may 22 punmtos at limang rebounds.

Pinabagsak ng Paranaque ang Marikina, 92-81.

Nagsalansan si Gwayne Capacio ng 27 puntos at 14 rebounds para sa Paranaque, habang tumipa sina Alfonso Rodriguez Jr. at Michael Indoy ng tig-20 puntos.

Nanguna si Robin Zapanta sa Shoelanders na may 28 puntos.

Giniba ng Isang Pateros, sa pangunguna ni Rickson Gerero na may 33 puntos, ang Valenzuela Workhorses.

Iskor:

(Unang Laro)

Pateros (94) — Gerero 33, Lopez 13, Singontiko 13, Quinga 12, Ilac 10, Brojan 5, Go 4, Capus 3, Navarro 1, Mabazza 0, Mercado 0, Cruz 0.

Valenzuela (87) — Tayongtong 19, Natividad 19, Esplana 16, Martin 12, Chua 8, Pascua 4, Rivera 4, Vianjohn 3, Gamboa 2, Kalaw 0.

Quarterscores: 12-27, 36-48, 63-72, 94-87.

(Ikalawang Laro)

Quezon City (92) — Tabi 25, Mahari 18, Saquillo 17, Salazar 7, Macaballug 6, Melegrito 6, Estoce 5, Gomez de Liano 4, Senal 2, Riva 2, Nava 0, asuncion 0.

Caloocan (90) — Enriquez 16, Bauzon 16, De Mesa 15, Torrado 12, Perez 11, Ligon 10, Sombero 6, Tan 4, Principe 0, Mayuyo 0, Tamayo 0.

Quarterscores: 20-25, 38-45, 72-64, 92-90

(Ikatlong Laro)

San Juan (92) — Saret 26, Magbanua 11, Acol 10, Dada 9, Jagunap 7, Bautista 6, Corpuz 5, Astrero 5, Elarmo 4, Rosopa 3, Casabar 2, Clarianes 2, Magbitang 2, Danao 0, Paras 0.

Las Piñas (80) — Sta. Rosa 22, Ollano 18, Lucente 17, Alvarado 12, Dickens 5, Gragasin 2, Dupaya 2, Villamor 2, Bueno 0, Santos 0.

Quarterscores: 25-15, 53-37, 74-57, 92-80.

(Ikaapat na Laro)

Parañaque (92) — Capacio 27, Indoy 20, Rodriguez 20, Custodio 11, Dalaten 7, Gusi 4, Villareal 3, Baguio 0, Partosa 0, Geronaga 0, Elorde 0, Encela 0.

Marikina (81) — Zapanta 28, Munsayac 15, Catipay 8, Castillo 8, Mendoza 6, Caceres 6, Bautista 4, Vicencio 2, Luciano 2, Robrigado 2, Anderson 0, Gervacio 0.

Quarterscores: 19-17, 39-36, 64-60, 92-81.