Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng suggested retail price (SRP) para sa Noche Buena items, dalawang buwan bago ang holiday seasons.
Paliwanag ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Group Ruth Castelo, ang paglalabas ng listahan ng presyo ng mga produkto ay para matiyak na masusunod ang itinakdang SRP range.
“This is a price guide para alam ng consumers kung magkano na lang ang halaga ng binibili nila, and for the manufacturers kung magkano ang halaga ng ibebenta nila,” ani Castelo.
Batay sa SRP ng DTI, ang 220 ml ng mayonnaise ay nagkakahalaga ng P83.35 mula sa dating P75.75; ang keso de bola (300 grams) ay P169 na mula sa P149.60; ang pear-shaped ham (850 grams) ay P205 mula sa P225; ang hamon de bola ay bumaba sa P315 mula sa P345; nasa P74 ang spaghetti sauce; habang P20 ang elbow macaroni.
Maaari namang magbago ang presyo depende sa brand, klase at timbang ng produkto.
-Beth Camia