KUNG kailan magkasama na sa isang network ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz, saka naman sila magkakahiwalay.

Rodjun at Ryaver copy

No, hindi po lilipat ng ibang network naman si Rodjun, maglilipat-bahay lang siya.

“Maninibago po ako kapag umalis na si Kuya sa bahay,” kuwento ni Rayver. “Simula po kasi nang isilang kami sa bahay namin, hindi pa kami nagkahiwalay, pero ngayon, hindi na mapipigilan. Lilipat na si Kuya sa bahay na ipinatayo niya para sa kanila ng girlfriend niyang si Diane Medina. Hindi pa po naman ngayon sila kakasalin, pero nakahanda na ang wedding nila sa December 2019.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Mami-miss ko si Kuya, kasi siya ‘yung napaka-supportive sa akin, lalo nang sabihin ko sa kanyang gusto kong bumalik sa Kapuso Network. Nauuna pa siyang mag-post sa Instagram ng paglipat ko at nang may project na ako, siya ang masipag mag-post nito. Kaya, may adjustment ako kapag wala na siya sa bahay.”

Dalawa agad ang shows na ibinigay ng GMA Network kay Rayver sa pagbabalik niya. Isang family-drama, ang Asawa Ko Karibal Ko na si Jason Abalos ang gaganap na transgender pero later on, magiging si Thea Tolentino na. Kaya magiging ni Thea sa kanya si Kris Bernal, na napangasawa ni Jason sa simula nang serye. So, pag-aagawan nina Kris at Thea si Rayver, gayung sa totoo lang ay mag-asawa pa rin sila.

“Masaya po ako na nabigyan ako ng ganitong genre ng teleserye, kasi open na ngayon ang mga televiewers na tanggapin ang mga naiibang klase ng story. Kahit po siguro sa akin in-offer ang role ni Jason, tatanggapin ko rin, big challenge po iyon sa akin, hindi ko tatanggihan.”

Second project ni Rayver ang Studio 7. Parang challenge daw naman iyon sa kanya dahil maipakikita naman niya ang talent niya sa pagsayaw.

“Ang maganda po, walang conflict sa schedule ko dahil ang Asawa Ko Karibal Ko, three times a week kami nagte-taping, Mondays, Wednesdays at Fridays. Ang Studio 7, every Thursday, two episodes ang tine-tape namin every other week. Ang galing!”

Nag-pilot telecast na ang Studio 7 last Sunday, after ng Daig Kayo ng Lola Ko. Ang Asawa Ko Karibal Ko ay mapapanood na simula sa Monday, October 22 hanggang Saturday, pagkatapos ng Eat Bulaga.

-NORA V. CALDERON