Dalawang masuwerteng mananaya mula sa Legazpi City, Albay, at sa Borongan, Eastern Samar ang kukubra sa pinakamalaking jackpot sa kasaysayan ng lotto sa bansa.
Paghahatian ng dalawa ang tumataginting na P1,180,622 jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.
“I would like to congratulate our two lucky winners. The winning tickets were bought from the outlets of Lucky Circle Corp., in SM City Tahao Road, Legazpi City, Albay, and Limbauan St., Barangay H, Borongan, Eastern Samar,” sabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan.
Sa bola nitong Linggo, natumbok ng dalawang mananaya ang winning combination para sa Ultra Lotto 6/58 na 40- 50-37-25-01-45.
Dalawampung porsiyentong tax, o P236,124,501.60, naman ang ibabawas mula sa jackpot dulot ng TRAIN law, at mapupunta ito sa pamahalaan.
Bawat isang nanalo ay tatanggap ng kabuuang P472,249,003.
Sa pagkubra sa napanalunan, sinabi ni Balutan na kailangang magpakita ang nanalo ng dalawang valid ID at ang winning ticket sa prize claim section ng Accounting and Budget Department sa PCSO headquarters sa Mandaluyong City.
Matapos ang validation, ibibigay ng Treasury Department ang cheque na naglalaman ng halagang napanalunan, at nakapangalan sa nanalo.
Matapos nito ay maaari nang ipa-encash ang tseke sa Landbank of the Philippines.
Samantala, nagpaalala naman ang PCSO general manager sa mga nanalo na huwag maging “one-day millionaire”.
“Like (what) I always say, having a huge money, especially winning millions of pesos can change your outlook in life, lifestyle, and priorities,” paalala ni Balutan. “Mind your priorities. Don’t lose yourself. Keep something for yourself and for your family. Don’t become one-day millionaires. Spend your money wisely.”
Bukod sa dalawang jackpot winners, 100 mananaya ang tatanggap ng tig-P169,930 makaraang matsambahan ang limang winning combinations.
-JEL SANTOS