HINAHANGAD ng pamahalaang bayan ng Lambunao sa Iloilo na magkalikha ng libu-libong “Champion Farmers” sa susunod na taon, upang makapagbigay ng trabaho sa iba pang magsasaka.

Ito ang inihayag ni Mayor Jason Gonzales sa kanyang talumpati sa pagdaraos ng entrepreneur workshop na “Road to Open Collaboration with East Asian Network (OCEAN18)” nitong Sabado.

Ayon sa alkalde, nabuo ang konsepto ng programang Champion Farmers noong 2016, at ngayon ay mayroon nang 319 miyembro.

Ang Champion Farmer, na tinatawag din na “middle class farmer”, ay magsasaka na kumikita ng P7,000 kada buwan at dumadalo sa mga pagsasanay na ibinibigay ng municipal agriculture’s office.

Night Owl

Kailangan mong bumoto

Inilunsad ang programa nang mapansin ng alkalde na patuloy na ginagastusan ng Lambunao ang iisang ayuda para mapabuti ang pamumuhay ng mga magsasaka, ngunit ipinunto nila na “the success of the farmer is largely dependent on behavior.”

Para mahikayat ang mga magsasaka, sinabi ni Gonzales na bumuo ang lokal na pamahalaan ng anim na pamatayan ng programa para sa mga magsasaka: ang values formation, technical skills, provision of inputs, mentoring, access to markets at financing.

“Our goal is to reach critical mass that will impact other farmers because if we reach 1,000 champion farmers, imagine, one out of eight farmers in Lambunao will become champion farmers and later on, they will be able to absorb contract agreements, institutional buyers and they will become institutional growers as well,” aniya.

“We are capacitating them so that later on, they could provide employment to other farmers,” saad pa ni Gonzales.

Ayon kay Gonzales, ang kanilang bayan ay mayroong 8,000 magsasaka at 90 porsiyento sa mga ito ay nasa produksiyon ng bigas.

Bagamat nananatili pa sa “infancy” ang programa at ang proseso nito para makapaglabas ng libu-libong Champion Farmers ay mangangailangan ng sapat na panahon, sinabi ni Gonzales na naipakilala na nila ang programa sa iba’t ibang tao, pampubliko at pribado, at nakatatanggap na sila ng mga pagtatanong ukol dito.

Bagamat aminado si Gonzales na hindi pa maaaring palawakin ngayong taon ang programa para sa sa iba’t ibang bahagi ng bansa, siniguro naman niya na iikot Champion Farmers sa ibang mga bayan sa Iloilo sa susunod na taon.

“We will send technicians and champion farmers to other towns to help them start,” paniniguro ni Mayor Gonzales.

PNA