Hindi tatanggapin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Certificate of Candidacy (COC) na walang sagot sa Question #22, o ang tanong kung nagkaroon na ng kaso ang aplikante, na may pinal na hatol at nagbabawal sa kanya na maupo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ito ang tugon ni Comelec Spokesperson James Jimenez kaugnay ng paghikayat ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. sa mga kandidato na laktawan o huwag na lang sagutan ng mga kandidato ang Question #22.

Nauna rito, binatikos ni Brillantes ang naturang katanungan at sinabing kusa nang dinidiskuwalipika ng convicted individuals ang kanilang sarili kahit wala pang final court judgment.

Sa panig ni Jimenez, ang mga COC na may laktaw o may katanungang walang sagot, ay ikokonsidera ng Comelec na “incomplete” at hindi tatanggapin ng mga election officer.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

“Ang policy natin, kung hindi kumpleto ang form, bakit namin tatanggapin?” ani Jimenez.

Kaugnay nito, nagpaalala rin si Jimenez sa mga kandidato na mayroon na lang hanggang bukas, Miyerkules, ang mga ito upang maghain ng kanilang kandidatura.

-Mary Ann Santiago