MASAYANG buntis si Rochelle Pangilinan. Lagi siyang nakangiti kahit init na init siya sa set ng Onanay nang bumisita kami kamakailan sa kanilang set sa isang bahay sa Sta. Mesa, Manila.

Rochelle copy

“Almost five months na po ako,” bungad ni Rochelle tungkol sa kanyang ipinagbubuntis.

“By March 2019 ko po isisilang ang first baby namin ni Arthur (Solinap). Hindi pa namin alam ang gender niya, pero may check-up na po ako sa October 28.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

“Excited na po kaming malaman kung boy or girl. Pero ako, feeling ko, boy siya. Pero maraming nagsasabing girl daw ang isisilang ko. Kahit po boy or girl, basta healthy lang siya, okay na sa amin.”

Kuwento ni Rochelle, si Arthur daw ang nahirapan noong naglilihi siya, dahil ang asawa ang napaglihihan niya. Ayaw na ayaw daw niyang makikita ito, pero hinahanap naman niya kapag wala. Hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang maaamoy na may pabango si Arthur.

Hindi ba siya nahihirapang mag-taping?

“Blessing po sa akin itong Onanay dahil magaan lang ang role ko, hindi ako kontrabida, kaya walang stress sa mga eksena. Pinalabas din dito na asawa ko si Arthur sa story, pero OFW siya. Para nga kung lumaki na ang tiyan ko rito, dahil may asawa ako.

“Ang sarap din na magaan katrabaho ang mga kasama ko rito, si Ate Guy (Nora Aunor), si Jo Berry, Mikee Quintos, Gardo Versoza.”

Kumusta namang katrabaho si Ate Guy, na first time niyang nakasama sa project.

“Lalo ko siyang naging idol, nakita ko kung gaano siya kamahal ng mga tao. Minsan nga iyong palengke scene namin, hindi kami makapag-start ng taping dahil nagkakagulo ang mga tao na gusto siyang makita. Mga tindera kasi kami nina Ate Guy at Jo sa palengke. Siya ang lumapit sa mga tao at nakiusap na tumahimik para kami makapagsimula ng taping. Iba ang karisma niya, sumunod ang mga tao, tumahimik sila at nakapag-shoot na kami.

“Wala rin siyang reklamo kapag may gustong magpa-picture sa kanya, payag siya agad. Ako nga minsan, sasabihin ko pang ‘sandali lang’ pero siya hindi tumatanggi. Sabi ko, ngayon lang ako nakakita ng artista na tulad niya.

“Wala rin siyang reklamo sa trabaho, kahit may cut-off siya, hindi siya umaalis hanggang hindi natatapos ang eksena niya kahit lampas na sa cut-off. Kaya mahal na mahal siya ng crew. Minsan nga may eksena na sabi niya wala na lang daw iyakan, natuwa naman kami, pero during the scene bigla siyang umiyak, nadala raw siya ng eksena.”

Iba rin ang paghanga ni Rochelle kay Jo Berry. Iba raw kasi si Jo, at kahit minsan ay nagha-hyper ventilate ito kapag mabigat ang kinuhanang eksena, konting pahinga lang daw ay shoot na naman ang baguhang aktres.

-NORA V. CALDERON