Pinakikilos na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan nito upang tugisin ang aabot sa 72 na private armed groups (PAGs) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil sa inaasahang pag-atake nito habang papalapit ang 2019 elections.
Paglilinaw ni PNP Spokesman, Chief Supt. Benigno Durana Jr., kabilang lamang ang mga ito sa tinatayang aabot sa 200 na PAG na nag-o-operate sa bansa na binubuo ng mahigit sa 2,000 na kasapi nito.
Hanggang sa kasalukuyan aniya ay patuloy pa rin ang isinasagawa nilang imbestigasyon upang matukoy ang mga politiko na humahawak sa mga ito.
Naghihintay lamang aniya ng pagkakataong umatake ang mga ito laban sa mga katunggali sa politika ng pinaglilingkuran nilang politiko.
-Fer Taboy