SINA Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz ng The Company, at Noel Ferrer ang nakaisip na ibigay ang hilig sa concert ng mga Pinoy music enthusiasts, na sanay nang gumagastos nang malaki makapanood lang ng pagtatanghal, local man o foreign artists.
Six days ngayong Oktubre, o sa October 11, 12, 13, 18, 19, at 20 mapapanood ang landmark festival na Pinoy Playlist 2018, Ito Ay Atin, Sariling Atin ng BGC Arts Center.
Over 100 concerts from all ages of genres, ethnic, regional, classical, acapella o novelty ang mayroong representation.
Para sa isang araw na pass ay puwede nang makapanood ng 17 concert everyday, na 45 minutes ang haba ng bawat isa. Tatlong concerts ang ipalalabas sa Globe Auditorium, Zobel de Ayala Recital Hall, at Sun Life Ampitheater. Anim na concert ang maaaring mapanood bawat gabi.
Ang presyo ng one day pass ay P750, habang P340 ang student rate. Nasa P2,500 naman ang para sa group of four, samantalang mayroon ding three-day pass worth P1,500 (regular rate), P750 (student rate), at P5,000 (group of four).
Para sa festival pass, nagkakahalaga ito ng P2,500 (regular rate), P1,125 (student), at P7,650 (group of four). Ang isang estudyante ay puwedeng makapanood ng 36 concert in six nights. Ibig sabihin, gagastos lang siya ng P 31.25 bawat concert, dahil 102 concerts ang tampok sa six nights ng music fest.
Ilan na sa mga nag-perform sina Shanti Dope, Gloc 9, Razorback, Jim Paredes at Buboy Garrovillo ng APO, Noel Cabangon, at Itchyworms.
Naka-schedule rin na mag-perform sina Richard Reynoso, Rannie Raymundo, John Lesaca, Reuben Laurente, Jacqui Magno, Kiana Valenciano, Myke Salomen, Dulce, Mitch Valdez, Nanette Inventor, Nar Cabico, Katrina Velarde, Abby Asistio, Sam Concepcion, Renz Verano, Chad Borja, Benz Manalo, at marami pang iba.
Go na dahil tiyak na sulit ang ibabayad ninyo. To buy tickets, visit www.BGCArtsCenter.Org/PinoyPlayList.
-Nora V. Calderon