MAY ayuda sa kampanya ng Ateneo ang Motolite sa darating na UAAP volleyball season.

BAGO ang head coach. Bago ang karamihan sa mga manlalaro. Ngunit hindi dapat manlumo ang mga masugid na tagasubaybay ng Ateneo Lady Eagles na patuloy ang paghahanda sa darating na UAAP volleyball tournament.

UAAP-UP-VS-ATENEO_2251-1024x683 copy

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Kilala ang Lady Eagles bilang ‘‘Barangay Ginebra’’ ng UAAP dahil sa sangkaterbang taga-subaybay at lalo pang lumakas ang atake ng koponan na patalsikin ang kampeon at karibal na De La Salle U volleybelles sa pagkakaroon ng isponsor na Motolite.

Numero uno baterya ng automotive sa Pilipinas ang Motolite na sa kasalukuyan ay isponsor ng Ateneo sa ginaganap na PVL Open Conference.

Bagamat mga baguhan na lumalaban sa mga beteranang manlalaro ay pinatutunayan ng Ateneo-Motolite na sa ilalim ni Coach Oliver Almadro ay may kakayahan itong makipagsabayan.

Arkitekto ang 42-taong gulang na si Almadro ng three-peat ng Ateneo Eagles bago hawakan ang Lady Eagles.

Nais ni Almadro, dating manlalaro ng Letran at assistant coach ng matagumpay na si Ramil de Jesus ng De La Salle, na dalhin ang ‘‘recipe for success’’ sa Eagles sa Lady Eagles. Sa ilalim ni Almadro ay umusbong ang karera ni Marck Espejo na ngayo’y nasa Japan bilang import ng Oita Miyoshi Weisseadler.

Nagpasalamat si Almadro sa suporta ng Motolite. Magsasanay ang Lady Eagles sa Japan bago magtapos ang taon.

‘‘Nakapokus ako  sa maliliit na detalye at nais kong maglaro ng may passion ang Lady Eagles,’’ sabi ni Almadro na sinabing may tatlong bagay siyang nais itanim sa isip ng kanyang mga atleta.

Tinutuloy ni Almadro na naging head coach na rin ng pambansang koponan noong 2015 Singapore SEA Games ang paniniwala sa Poong Maykapal, pagtitiwala sa isa’t-isa at ang katapangan.

‘‘Ginebra ng UAAP women’s volleyball ang Ateneo at kailangang ipakita namin na there is a ‘‘bigger purpose’’ sa aming paglalaro. Never-say-die ang Ginebra at ganito rin dapat kami sapagkat hindi buo ang araw ng aming mga miron kung makikitang kami ay natatalo ng hindi lumalaban,’’ ani Almadro.

Inaasahang dadalhin ng mga beteranang sina Bea de Leon, Maddie Madayag,  Pauline Gaston, Kat Tolentino  at  Kim Gequillana ang atake ng Ateneo saantaland hindi rin matatawaran ang mga potensyal nina Danielle Theris C. Ravena, Deanna Wong, Vanessa Gandler at Janel Maraguinot na nakababatang kapatid ni Jho Maraguinot na pinag-iisipan pa kung gagamitin ang huling playing year sa Lady Eagles.