NAGLAAN ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 1,000 slots ng vocational or short-term courses para sa mga residente ng unang distrito ng Pangasinan, sa pamamagitan ng “IACTulong sa Pangasinan”.

Sa isang panayam nitong Biyernes, sinabi ni Pangasinan Public Employment and Services Officer Alex Ferrer na ang ‘IACTulong sa Pangasinan’ ay isang skills training program ng probinsiyal na pamahalaan at Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), na pinamumunuan ni Department of Transportation (DoTr) Undersecretary Thomas “Tim” Orbos, at sa pakikipagtulungan sa TESDA.

“The participants may enroll any of the following courses: driving lessons, motorcycle repair and maintenance, small engine and farm implements maintenance, basic electricity, driving and auto troubleshooting. Other participants may also enroll courses in therapeutic massage, bread and pastry making, meat or food processing, and beauty care,” aniya.

Ayon kay Ferrer, magsisimula ang implementasyon sa susunod na taon dahil inaayos pa ng TESDA at ng probinsiyal na pamahalaan ang pagsasapinal ng ilang detalye na may kinalaman sa pagpapatupad ng programa.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa talumpati ni Orbos na tubong Lingayen, sa paglulunsad ng programa kamakailan, sinabi niya na ang pagmamahal sa Pangasinan at sa kanyang kapwa Pangasinense at sa iba pang residente na nangangailangan ng trabaho ang dahilan ng proyekto.

Pinuri naman ni Pangasinan Governor Amado Espino III ang proyekto, kasabay ng paghikayat sa kanyang nasasakupan na samantalahin ang opurtunidad na magbibigay sa kanila ng mas magandang kinabukasan.

Samantala, ginawaran naman ng certificates of entitlement ang mga bayan ng Agno, Anda, Bani, Bolinao, Sual, Infanta, Burgos, Dasol, Mabini at ang Alaminos City, na bumubuo sa unang distrito ng probinsiya.

PNA