TARGET ng De La Salle at National University na mapanatili ang korona sa women’s at men’s championships, ayon sa pagkakasunod sa pagsabak sa Finals ng UAAP Season 81 table tennis tournament nitong Huwebes sa UP CHK Gym.
Puntirya ng Lady Paddlers ang makasaysayang ‘five-peat’ sa pakikipagtuos sa University of Santo Tomas sa Game 2 ng best-of-three championship series opener ganap na alas 9 ng umaga.
Hahatawin din ng Bulldogs ang target na back-to-back title sa pakikipagtuos, sa UST spikers sa hiwalay na Game 1 ng best-of-three series.
Naitala ng De La Salle, umayuda tangan ang 14-0 karta,ang outright championship slots.
Naisaayos naman ng Tigresses ang championship rematch sa Lady Paddlers matapos walisin ang University of the Philippines, 3-0, sa step-ladder semifinals nitong Sabado.
Nahirapan naman ang NU, bago nakabawi para sa ligtas na kamay, matapos mabigo sa Far Eastern University, 0-3 in the step-ladder semifinals.