HINDI lang sa elite volleyball nakatuon ang pansin ng BPI Direct BanKo, Inc. (BanKo) bagkus sa grassroots sports development.

Inilarga ng BanKo Perlas Spikers ang ilang serye ng volleyball camp, kabilang ang programa para sa mga kabataan at anak ng mga self-employed micro-entrepreneurs (SEMEs), kamakailan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

“Accessibility has always been the priority of BPI Direct BanKo. Our partnership with the BanKo Perlas Spikers has enabled us to further our reach to the underserved. We are one in extending our knowledge and services to the grassroots, and we will continue to inspire them to dream bigger, whether in finance, sports, or both,” pahayag ni Jerome Minglana, Pangulo ng BanKo.

Sa ikalawang season ng tambalan, ang BanKo at BanKo Perlas Spikers, ang 2018 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference third-placers, ay patuloy sa kapit-bisig para maisulong ang kamalayan ng sambayanan sa buting maidudulot ng pagiimpok, gayundin sa pagsalang sa sports ng mga kabataan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kabilang sa mga binisita ng Banko Spikers ang Iloilo, Bacolod, Butuan, Surigao at Agusan.

“We are committed to bring volleyball closer to the grassroots communities, and through these clinics, we are not just building relationships, but, more importantly, we are fostering discipline, determination, and hard work in our young participants. These are qualities that we also expect from our players,” sambit ni BanKo Perlas Spikers manager Charo Soriano.

Sa kabila ng gawain sa komunidad, patuloy ang Banko Perlas Spikers sa impresibong kampanya sa 2018 PVL Open Conference sa naitalang back-to-back na panalo kontra Iriga-Navy Oragons at Petrogazz Angels.

Kumpiyansa ang koponan na mamimintina ang matikas na kampanya, higit at nakopo ng Banko ang ikatlong puwesto sa Vin Lonh Tournament sa Vietnam kamakailan.

Sa kasalukuyan, nangunguna ang BanKo Perlas Spikers sa Premier Volleyball League Open Conference Season 2 tangan ang 5-0 karta.