NANATILING malinis ang marka ng Ateneo-Motolite, habang gumigitna sa team standings ang koponan ng Petro Gazz Angels matapos walisin ang Adamson-Akari Lady Falcons, 25-17, 25-20, 25-13, sa Premier Volleyball League Open Conference sa FilOil Flying V Centre.

Ginapi ng Ateneo-Motolite ang Iriga-Navy, 25-19, 29-27, 25-14.

Ang panalo ang ika-4 ng Lady Eagles sa loob ng apat na outings.

Nanguna sa panalo si Kai Baloaloa sa iniskor nitong 14 puntos kasunod si Alyssa Layug na nagdagdag ng 11 puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tumapos namang leading scorer si Bernadette Flora para sa Lady Falcons sa itinala nitong 11 puntos.

Naglaro ng limang sunod na game days sa pagsisimula ng season ending conference, umangat ang Angels sa markang, 4-3, sa pagtatapos ng kampanya nila sa first round.

Pinapurihan naman ni head coach Jerry Yee ang ipinakitang effort ng kanyang koponan sa kabila ng mga hirap na kanilang sinuong na posibleng magpatuloy sa second round sa kabila ng kanyang pansamantalang paslisan kasama ang ilang players para sumabak sa Unigames.

“Siguro may mga missed opportunities nga kami this conference. We’re looking forward to getting over those,” ayon kay Yee.

Pagdating ng second round, bilang head coach din ng College of St. Benilde Lady Blazers, kasamang mawawala naman ni Yee sa ilan nilang mga laro sina Rachel Austero at Marites Pablo dahil lalahok sila sa Unigames.

-Marivic Awitan