Hanggang sa katapusan ng buwan na lang ang taning sa mga Filipino na ilegal na namamalagi sa United Arab Emirates (UAE) upang magpatala sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi kung nais nilang maging legal ang kanilang pananatili o umuwi na sa Pilipinas.

Naglabas ng advisory ang embahada matapos dagsain ito ng 150 undocumented Pilipino mula Dubai nitong Sabado,

Umabot na sa 1,377 ang mga Pilipinong gusto nang umuwi mula nang magpatupad ang UAE ng tatlong-buwang amnesty program noong Agosto 1.

Naglaan ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng P1 bilyon upang bayaran ang exit fines, penalties at pamasahe para sa mga repatriate na gustong nang umuwi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

May karagdagang P5,000 ang kanilang natanggap sa DFA bilang pabaon.

Ayon sa naturang embahada, di kumulang sa 10,000 Pinoy sa Abu Dhabi at 20,000 sa Dubai ang makakapasok sa amnesty program.

Sa ilalim ng amnestiya, lahat ng foreign nationals na lumabag sa immigration rules ng UAE ay hindi pagbabayarin ng fines at penalties at papayagang makabalik sa naturang Gulf state na bansa.

Kasama sa maaring humingi ng amnesty ang mga overstaying na dayuhan at mga tumakas sa kanilang amo.

Maaaring humiling ang mga undocumented foreign national na lisanin ang UAE na walang penalty o mag-apply sa six-month visa upang makakuha ng panibagong trabaho.

Ang mag-aapply ng six-month visa ay bibigyang prayoridad kung may bakanteng trabaho.

-Roy C. Mabasa