SA hangaring makatuklas ng bagong talento sa grassroots level,isusulong ng Canon Carlsen Kasparov Chess Club ang Weekly Open Rapid Chess Tournament na tinampukang Imus Open Rapid Chess Championships sa Oktubre 14 na gaganapin sa City Mall sa Aguinaldo Highway, Imus, Cavite.
“We hope to see the number of young chess students continue to rise,” sabi ni tournament director Priscilla “Ella” Tindero ng bagong tatag na chess club kaagapay ang City Mall Imus, Dugout Sports Bar and Music Place at Molded Mind Chess Club.
Pinangunahan ni National Master Romeo Alcodia, 1999 Asian Inter-Collegiate Kuala Lumpur co-champion, ang mga naunang nagbigay ng kumpirmasyon sa paglahok kasama ang mga batikang manlalaro ng Bacoor, Cavite na sina Erwin Calar, Eduardo Tungia at Lourecel Hernandez-Ecot.
Dagdag pa ni Tindero na tatangap ang magkakampeon ng P10,000 kung saan ay maibubulsa naman ng runner-up place ang P5,000, habang nakalaan naman sa third placer ang P3,000.
Ang Chief Arbiter ay si NA Salvador Tardecilla kasama sina pairing Specialist CA2 Israel Landicho at Steward Rey Jay Pascual.