Naniniwala si Sen. Cynthia A. Villar na ang urban vegetable gardening ang tamang tugon ng komunidad sa mataas na presyo ng mga bilihin, partikular ng mga pagkain, at food sufficiency.

Aniya, dapat matutunan ng mga pamilya ang urban gardening upang magkaroon ng sariling gulayan at matipid ang kanilang kinikita na puwedeng gamitin sa ibang gastusin.

“Urban gardening is possible even in the most crowded areas. You should seriously consider this new norm to ensure not only food on your tables, but the health of your family as well,” ani Villar.

Ayon kay Villar, maaaring magtanim ng gulay sa maliliit na paso at plastic containers. - Leonel M. Abasola

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga