Hindi pa rin pabor ang karamihan ng Pilipino sa death penalty sa mga krimen na may kaugnayan sa droga.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Marso 22 hanggang 27, 2018 sa 2,000 respondents na may edad 15 pataas,

Lumabas na 33 porsiyento lamang ang pabor sa parusang bitay para sa anim na drug-related crimes -- kabilang ang importasyon ng ilegal na droga, pagpabrika at pagbebenta ng shabu, pagpatay habang habang lango sa droga, at pagpapatakbo ng drug den.

Samantala, 51 hanggang 55 porsiyento ang mas gusto ng parusang hambambuhay na pagkakakulong, at 15-24% ang nais na pagkakakulong ng 20-40 taon.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Gayunman, 47% ng respondents ang naniniwalang dapat bitayin ang nagkasala ng rape habang na nasa impluwensiya ng droga. - Beth Camia