ITATAYA ni Jeo ‘Santino’ Santisima ang kanyang WBO Oriental super bantamweight title kay WBC Latino super bantamweight titleholder Mexican Victor Uriel ‘Yuca’ Lopez sa Pinoy Pride 45 sa Nobyembre 24 sa IEC Convention Center sa Cebu City. Para sa tubong Masbate na si Santisima, malaking pagkakataon na siya ang main event sa paboksing ng ALA Promotions at ABS-CBN upang maipakita ang bagsik ng kanyang mga kamao na nagpatulog sa 13 sa huling 14 na karibal sa ring sa loob ng anim na rounds.

“It is my dream to headline Pinoy Pride. And now it is here. I thanked ALA Promotions greatly for giving me this opportunity. I hope this event will be successful,” sabi ni Santisima sa Philboxing.com. “This is a difficult fight for me because Mexicans come to fight. But at the same time this will be a good fight that boxing fans will enjoy.”

Kasalukuyang nakalista si Santisima na No. 15 kay WBO super bantamweight champion Isaac Dogboe ng Ghana at tiyak na papasok siya sa top ten kapag nagwagi kay Lopez na gusto namang makapasok sa world rankings.

May kartada si Santisima na 16 panalo, 2 talo na may 14 pagwawagi sa knockouts samantalang si Lopez ay may rekord na 13-6-1 win-loss-draw na may 6 pagwawagi sa knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

-Gilbert Espeña