PAGKALIPAS ng 25 years ay inulit ni Sharon Cuneta ang TVC niya ng Selecta ice cream, na ginawa niya noong 1993.

Sharon copy

Ipinost ni Sharon sa kanyang Facebook page ang video ng lumang TVC ng Selecta ice cream at ikinumpara sa bagong commercial niya ngayong 2018, at 52 anyos na siya.

Caption ng Megastar sa lumang TVC niya: “My very first commercial for Selecta in 1993! Compare this to the new one. See some similar moves? Hahaha! I looove it! It’s GREAT TO BE HOME.”

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Ang pagkakaiba ngayon ay hindi na solo ni Sharon ang pagkain ng ice dream. Kasama niya sa commercials ang tatlong anak nila ni Senator Kiko Pangilinan na sina Frankie, Miel, at Miguel, na hindi lang ipinakita ang mukha.

Samantala, ipinost din ni Sharon nitong Lunes ng gabi ang litrato nila ni Richard Gomez sa pelikulang Minsan Minahal Kita (2000), na idinirehe ni Olive Lamasan, na ang assistant director sa nasabing pelikula ay si Cathy Garcia-Molina.

Si Direk Cathy ang nagdidirehe ngayon ng reunion movie nina Sharon at Richard, ang Three Words To Forever.

Caption ni Sharon: “A painful scene from our movie, Minsan Minahal Kita. We as Dianne and Albert. Directed by Olivia M. Lamasan. (Assistant Director was Direk Cathy Garcia-Molina! Dito kami naging close ni Direk Cathy kong lab!) #Repost@elypotnishasha_tmu with @get_repost

“Alin nga ba ang mas masakit? ‘Yung ikaw ang mang-iwan o ikaw ang maiwan? Anong mas pipiliin mo, ‘yung tama na hindi ka masaya o ‘yung mali pero masayang-masaya ka? Sakit na sakit ako dito. Ano, ako lang madudurog puso? Damay damay na ‘to @boundtosharon @tin.garcia @iammaisia @mynameislucille @betchay_sharon_tmu @aaganzon hahahahaha.”

Kasalukuyan palang nasa Korea si Sharon para mag-recharge pagkatapos ng success ng 40th anniversary concert niya.

“Goodnight! (Oh, am still in Korea but I wasn’t feeling well since we arrived at our hotel last night and felt sick all day. Throat acting up. Baka nagulat! Mas polluted ang Manila eh! Hahaha JK.

“Seriously, body aches and pains na trangkaso symptoms. Meds na naman, hay nako. Finished shooting out of town at past 3am yesterday (Linggo) and got home at almost 5am. Then had to be up at 7 (pero 8 na bumangon). Didn’t forget anything I had to put in my safe or bring with me (engraved na in my memory bank).

“Thank God my Yayie is such an expert at packing my things so I let her sleep ‘til past noon kanina tapos sila na ang namasyal ako natulog. Tomorrow basta lalabas ako! It’s cold and I love it! And it’s KOREA! God bless you all! Love you).”

-Reggee Bonoan