GINAPI ng National University ang University of the Philippines, 3-2, para makalapit sa target na five-peat sa men’s badminton nitong Miyerkoles sa UAAP Season 81 sa Rizal Badminton Center.

Matikas na nakihamok ang Fighting Maroons sa rematch ng nakalipas na championship match, subalit nakahulagpos ang Bulldogs sa dikitang final match.

Naitala ni JM Bernardo ang 21-16, 21-14 panalo kontra Ros Lee Pedrosa sa opening singles bago nakatabla ang NU mula kay Mike Minuluan kontra rookie Kyle Legapi, 21-15, 21-8.

Nakausad ang Bulldogs sa double event win nina Alvin Morada at Alem Palmares, 21-11, 21-14, kontra Betong Pineda at Harvey Tungul sa unang doubles, ngunit nahila ng Maroons ang do-or-die sa panalo ng tambalan nina Bernardo at Vinci Manuel kontra Minuluan at Pedrosa, 21-17, 21-19,sa second doubles.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa krusyal na sandali, sumandig ang NU sa kagitingan ni Morada, ang reigning MVP, na humirit ng 21-15, 21-14 panalo kontra Michael Clemente sa deciding singles para makumpleto ang dominasyon at mahila ang winning run sa 42 ties.

Tatangkain ng Bulldogs na masungkit ang ikalimang sunod na titulo at ikaanim sa huling pitong season sa Biyernes.