IKINUWENTO ng spokesperson ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Noel Ferrer na dumaan sa masusing deliberasyon ang pagpili sa natitirang apat na film entries para sa taunang film festival, na ilulunsad sa Pasko, Disyembre 25.

Pinanood muna ang 16 films ng MMFF Executive Selection Committee, sa pangunguna ni National Artist Bienvenido Lumbera, kasama ang mga miyembrong sina Jesse Ejercito, Evylene Advincula, Roy Iglesias, Maria Anicia Naval, Mel Chionglo, James Bartolome, Lualhati Bautista, Cesar Ona Jr., Irene Jose, Lilibeth Nakpil, at Consoliza Laguardia.

Ang huling apat na pelikulang inihayag na kalahok sa 2018 MMFF ay ang Rainbow’s Sunset, ng Heaven’s Best Entertainment, at pagbibidahan nina

Eddie Garcia, Tony Mabesa, Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Sunshine Dizon, at Ms Gloria Romero, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Family drama ang gist ng pelikula at base sa trailer na ipinakita sa media, kung kailan tumanda ay saka inamin sa pamilya ng bida na isa siyang gay at lover niya ang long-time family friend nila, na labis na ikinagulat ng buong pamilya.

Kasali rin ang One Great Love, produced ng Regal Entertainment, at sina Kim Chiu, JC De Vera, at Dennis Trillo ang mga pangunahing bida, na idinirehe ni Eric Quizon.

Lahat tayo ay nagmahal, at sa mga minahal natin ay may matatawag na “one great love”. Base sa trailer, kakaibang Kim ang mapapanood sa pelikula, dahil pumayag siyang magkaroon ng bed scene at love scene kina Dennis at JC.

Kalahok din ang Marry, Marry Me, mula sa Ten17 Productions, na pinagbibidahan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, na pag-aagawan si Sam Milby, mula sa direksiyon ni RC De los Reyes.

At ang panghuli ay ang Otlum, produced ng Horshoe Studios, na ang pangunahing bida ay sina Ricci Rivero, Jerome Ponce, John Estrada at iba pa, sa direksiyon ni Joven Tan. Base sa trailer ay mala-Shake Rattle and Roll ang tema ng Otlum, na binaligtad na “multo”.

Makakasama ng apat na pelikula ang unang apat na kumpirmadong kalahok sa 2018 MMFF, ang Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya nina Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio, at Maymay Entrata, na ididirek ni Barry Gonzalez, handog ng Star Cinema at Viva Films; Girl in the Orange Dress nina Jessy Mendiola, Jericho Rosales, at Ria Atayde, sa direksiyon ni Jay Abello, produced ng Quantum at MJM Films; Aurora ni Anne Curtis, sa direksiyon ni Yam Laranas, para sa Viva Films at Aliud Entertainment; at ang Popoy En Jack: The Puliscredibles nina Vic Sotto, Coco Martin, at Maine Mendoza, na ididirek ni Michael Tuviera, produced ng MZet, APT, at CCM Productions.

Sa Parañaque City gaganapin ang Annual Parade of the Stars, na isasabay na rin sa 20th Cityhood Celebration. Sa Disyembre 27 naman ang MMFF awards night sa The Theater Solaire.

Nagbigay naman ang MMFF grant para sa 16 Student Short Film Semi-Finalist sa halagang P20,000. Mula sa 123 student short film na isinumite ay 16 lang ang napili.

Ang Student Short Film Selection Committee ay binubuo nina Direk Jose Javier Reyes, Doctor Rowena Capulong-Reyes, MTRCB Chairperson Rachel Arenas, Atty. Crisanto C. Saruca, Jr., at Ms Rina Navarro.

Ang 16 short films finalist ay ang mga sumusunod:

Anod - Sarah Nicole Bautista, PUP Quezon City; Balita Allysa Nievera, Centro Escolar University; Binibini Neil Adrien Reyes at Beverly Lagdameo, College of St Benilde, De La Salle; Bisperas Jessa Bisnar, Pamantasang Lungsod ng Valenzuela; Camera Adeline Carreon, Eugenio Lopez Jr., Center for Media Arts Senior High School; Breadwinner Ma. Arizza Ariola, Pasig Catholic College; Dalawampung Pisong Pag-asa – Pauleen Valdez, St. Dominic College of Asia.

‘Di Pa Nga Ako Kumakain, Eh - Marizen Tamondong, PUP Manila; Hayag Patricka Coliflores Villaseñor, UP Manila; Insan Nina Jean Comanda, College of St. Benilde, De La Salle; Kasilyas Leslie Ann Ramirez, Bulacan State University; : Padyak Venice Awitin, Northern Mindanao Colleges, Inc; Paraiso Carlo Lopez, UP Diliman; Sasagot Ka Pa? Ronald Van Angelo Dulatre, College of St. Benilde, De La Salle; Si Luisa, Ang Artista Peter John Teneza, PUP Quezon City; at Tahanan - Demetrio Celestino III, Catanduanes State University.

Malalaman ang final eight short films entries sa ikatlong linggo ng Nobyembre, at isasama ito sa walong full length films na mapapanood na sa Disyembre 25.

-REGGEE BONOAN