KNOCKDOWN uli ang ABS-CBN sa second round/quarter ngayong taon sa palakihan ng kita laban sa GMA Network.

Sinulat namin a few months ago na para ma-break ang matagal nang tie sa ratings war -- na parehong No. 1 sa kanya-kanyang pinaniniwalaang television viewership measurement agency ang Channel 2 at Channel 7 -- mas makabubuting sa kinikita magsukatan.

Sa first quarter ng 2018, kumita ang ABS-CBN ng P411M samantalang P425 naman ang net profit ng GMA-7.Bagamat manipis lang ang lamang, talo ng Siyete ang Dos.

Maraming taon nang kontrobersiyal na usapin kung ano ba talaga ang tunay na nangungunang television network sa Pilipinas. Nagsimula ito nang maging dalawa ang sumusukat sa bilang ng televiewers, nagkalituhan kung aling TV network ba talaga ang No. 1.Sa Nielsen naka-subscribe ang Siyete samantalang subscriber naman ng Kantar Media ang Dos.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Nitong first half, status quo ang ratings war. Siyempre, panalo uli ang GMA sa Nielsen at panalo rin uli ang ABS-CBN sa Kantar Media.Kaya i-apply uli natin ang formula para i-break ang tie. Tingnan ang kinita ng magkakumpetensiya.

Sa usapang business, ito ang bottomline. Malalaman ang kalusugan ng negosyo sa balance sheet ng accountants, kapag napagtuos na ang mga inilabas na puhunan at ang natirang net income.Hugutin natin sa kanya-kanyang first half reports ang kinita ng dalawang higanteng network.May net income na P741 million ang ABS-CBN samantalang P1.2 billion naman ang net income ng GMA Network.Sa lumaking lamang, malinaw na GMA-7 ang tunay na No. 1 TV network sa unang anim na buwan ng taon.

Madalas na sa ratings war ang mainit na kantiyawan ng Siyete at Dos. Pareho namang panalo dahil nga may kanya-kanyang survey firms na pinagkukunan ng data.Sa bottomline o net profit, mas klaro ng pagsusukatan ng business performance.Maghintay uli tayo ng official reports ng dalawang mahigpit na magkalabang network sa third round kung makakabawi na ang ABS-CBN na sunud-sunod ang blockbuster movies.

-DINDO M. BALARES