Kumpiyansa si Pangulong Duterte na magagampanan nang husto ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ang trabaho nito kaysa hinalinhan nito sa puwesto, dahil na rin sa military background ng bagong miyembro ng Gabinete.

Ito ang reaksiyon ng Pangulo kasabay ng pagdepensa sa desisyon niyang italaga si Bautista sa puwesto.

Tiwala rin ang Presidente kay Bautista, at sinabing sinusunod nang husto ng mga kawal ng militar ang anumang iutos sa mga ito, at mabilis ding matapos ang trabaho.

Inilabas ng Pangulo ang pahayag kasabay ng pagpapahayag ng pagkadismaya sa dating “acting chief” ng kagawaran, na mas ginusto pa umanong makipagdebate kaysa sundin ang mandato nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“There are misgivings among the senators and congressmen that I am appointing another ex-military man in the Cabinet,” sinabi ng Punong Ehekutibo nang dumalo sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Martes.

“Well, I’ll tell you what. In my years of service sa gobyerno. Alam mo ‘yang bureaucracy and I don’t—I don’t mean to offend them, not all, pero ‘yung iba kasi, especially if you want a decision right there and then. And you have to cut corners but not illegal. Marami kasing… Susmaryosep, debatehin (debate) ka pa. That’s what they do. They debate with you and day after tomorrow, nandiyan na naman, daldal na naman, daldal, daldal, daldal,” anang Pangulo.

Ilang opisyal ng militar at pulisya na rin ang una nang itinalaga ng Pangulo sa pamahalaan.

‘Gusto ko talaga kasi isang utos lang, nagagawa. Sometimes they cut corners but you just have to defend them because it’s your order. Hindi naman kasi magsunud-sunod ka dito. It takes you forever. Ang gobyerno is really, really, really, very slow,” paliwanag pa ni Duterte.

-Genalyn D. Kabiling