PINATAOB ng De La Salle University ang archrival Ateneo de Manila University, 82-56, kahapon para mapatatag ang kapit sa solong ikatlong puwesto sa pagtatapos ng unang round ng elimination sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang panalo ang ikatlong sunod ng Lady Archers na nag-angat sa kanila sa markang 5-2, na nagbaba naman sa Lady Eagles sa ikalimang sunod nitong pagkatalo.

“We still have a lot of things to improve on on offense and on defense. We are going to be happy with this win and then move on to the next,” pahayag ni Lady Archers head coach Cholo Villanueva.

Ginamit na motivation ni Khate Castillo at ng Lady Archers ang pagharap sa kanilang archrivals.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“Of course there’s no other motivation because we are playing against Ateneo. We know our tradition against them that is why the intensity just came natural,” paliwanag ni Villanueva.

Pinangunahan ni Castillo ang panalo sa ipinoste nitong 19 puntos

na sinundan ni Kath Nuñez na may 16 puntos.

Dahil sa pagkabigo, tumapos ang Lady Eagles na pang-anim taglay ang markang 2-5.

Sa isa pang laban, tumapos namang pang-4 ang Adamson University makaraang pataubin ang University of the Philippines, 68-51.

Ang panalo ang pang-4 ng Lady Falcons kontra tatlong talo, na puwede pang pantayan ng

University of Santo Tomas na may patas na markang 3-3 habang nagtapos namang winless ang Lady Maroons (0-7) sa unang round.

-Marivic Awitan