Lumusot sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 7774 na nagtatakda sa karapatan ng mga pasahero ng taxi, tourist car transport services (TCTS) at iba pang “vehicles for hire (VFH).”

Pinagtibay ng 212 kongresista sa plenary session ang panukalang “Bill of Rights of Taxi, Tourist Car Transport Service and Vehicle for Hire Passengers.”

Kabilang sa mga may-akda ng panukala sina Reps. Angelina Tan, Horacio Suansing, Estrelita Suansing, Emmeline Aglipay-Villar, Harlin Abayon III, Cesar Sarmiento, Jose Antonio Sy-Alvarado, Florisa Robes, Edgar Mary Sarmiento at Lorna Silverio.

Ang taxi drivers na lalabag sa mga probisyon ng panukala ay pagmumultahin ng P1,000 hanggang P5,000 at sususpendihin ng pitong araw hanggang isang taon ang driver’s license. Ang nagkasalang vehicle operators naman ay papatawan ng multang mula P5,000 hanggang P15,000.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sasailalim din ang pasaway na drivers at operators sa mandatory education seminar.

-Bert De Guzman