HANDA na ang lahat sa pagdaraos ng Barroso Chess Cup, NCFP rated event sa Oktubre 13-14 sa Bukidnon State University sa Malaybalay City, Bukidnon.

“This is part of our grassroots development program.” sabi ni tournament director John Ian Barroso.

Ang two-day event ( Oktubre 13 at 14, 2018 ) ay tampok ang four division tournament, Open Elementary, Open College at High School, Open Blitz at Open Rapid.

Ayon kay Chief Arbiter NA Cecilio “Ely” Acas na may cash prizes ang naghihintay sa mga magwawagi kung saan ang magkakampeon sa Open Elementary division ay tatangap ng P4,000 at trophy.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

May cash prizes din na nakalaan na P2,000 at P1,000 at trophies sa second at third placers, ayon sa pagkakasunod.

May nakalaan din sa fourth hanggang 10th placers na tig P500 at medals.

May special prizes din para sa Top Open Under 10, Top Local Boys at Top Local Girls na tatangapin ay tig P300.

Ang magwawagi naman sa Open College and High School, Open Blitz at Open Rapid division ay mag-uuwi ng tig P4,000, P5,000 at P7,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang registration fee sa Open Elementary ay P200, para sa Open College and High School ay P200, para sa Open Blitz ay P250 at para sa Open Rapid ay P300.

Mag call o text kina Event Coordinator (0905-953-0330) at Chief Arbiter NA Cecilio “Ely” Acas (0942-494-8672) para sa karagdagang detalye.-