SHOWBIZ crush ni Kris Bernal si Rayver Cruz, at pinapanood niya sa TV ang aktor noong hindi pa siya artista. Kapag nga tinatanong si Kris kung sino ang crush niya sa mga artista, laging si Rayver ang binabanggit niya.

Kris copy

At kahit sinabi ni Kris matagal na ‘yun at nawala na ang crush niya kay Rayver, kinilig pa rin siya at nag-blush pa nga nang matanong tungkol dito sa presscon ng Afternoon Prime na Asawa Ko, Karibal Ko.

Kaya ganun na lang ang tuwa ni Kris nang lumipat sa ABS-CBN si Rayver. Nadoble pa ang tuwa niya nang malamang makakasama niya ang aktor sa bago niyang teleserye, at love interest pa niya ito.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

“Bata pa ako noon, crush ko na si Rayver at in-stalk ko pa siya sa social media. Hindi ako nahihiyang ikuwento at aminin ang tungkol doon. Walang malisya ‘yun at saka, bata pa nga ‘ko. Ngayon, magkatrabaho na kami,” wika ni Kris.

Kahit sa TV interview, inamin ni Kris na crush niya si Rayver. Sinabi naman ng aktor na dahil sa pag-amin ni Kris ay naging mas kumportable siya sa mga eksena nila. Totoong tao si Kris para kay Rayver.

Samantala, naiyak si Kris sa presscon nang mabanggit ang pinagbidahan niyang Impostora, at sa tanong kung ano ang mas mabigat gampanan para sa kanya, ang Impostora o ang Asawa Ko, Karibal Ko?

“Napagod ako sa Impostora, pero hirap na hirap din ako dito sa Asawa Ko, Karibal Ko. Biro mo, ang asawa mo may itinatagong identity. Thankful ako sa GMA na magaganda ang project na ibinibigay sa akin at nakakatulong ‘yun sa pagiging artista ko. Feeling ko hindi ko deserve. Salamat sa pagtitiwala sa akin. Proud ako sa concept na ito at sure ako na magugustuhan ng tao,” pagtatapos ni Kris.

Ang Asawa Ko, Karibal Ko ay magsisimulang mapanood sa October 22, Monday to Friday pagkatapos ng Eat Bulaga, sa direction ni Mark dela Cruz.

-Nitz Miralles