NAGKAROON ng katuparan ang matagal nang pangarap ng komedyanteng si John “Sweet” Lapus—ang magdirek ng pelikula.
At ang good news, kabilang ang idinirek niyang Pang MMK sa Cinema One Originals Festivals sa October 12-21.
“I’ve always wanted to do something na naiiba pero related din sa showbiz. Isang bagay na mae-enjoy ko. Kapag gumagawa ako ng pelikula ay ino-observe ko ang kilos ng director at paano niya kami i-motivate.
“Isa sa mga iniidolo kong director ay si Joyce Bernal. A big influence siya sa hangarin kong maging director,” pagtatapat ni Sweet.
Si Sweet mismo ang sumulat ng Pang MMK, na tungkol sa isang young gay who organized a funeral para sa kanyang estranged father na hindi nagkaroon ng magandang resulta.
Kalahok din sa Cinema One Originals Festivals ang Hospicio, Mama and a Mother, Paglisan, Never Tear Us Apart, Asuang, A Short History of a Few Bad Things, Bagyong Bhverly, at Double Twisting, Double Back.
Ang festival, na ang tagline ay I Am Original, ay itatanghal sa mga pangunahing sinehan tulad ng Trinoma, Glorietta, Gateway Complex Powerplant Mall, at ilang SM Cinemas.
-REMY UMEREZ