K-pop boy band EXO is back with a new album.

EXO

Nakatakdang ilabas ang album na may titulong Don’t Mess Up My Tempo sa Nobyembre, at naglalaman ito ng 11 kanta, sa pangunguna ng Tempo, gayundin ang Sign, Ooh La La La, Gravity, With You, 24/7, Bad Dream, Damage, Smile On My Face, Oasis at ang Chinese version ng Tempo.

Ayon sa SM Entertainment, nakipagkolaborasyon ang British producing duo na LDN Noise, na nag-produce ng mga nakaraang hits ng EXO gaya ng Monster, Power at Lotto, sa The Underdogs, MARZ Music, Kenzie at Bazzi para sa album. Kasama naman si Chanyeol sa songwriting.

Relasyon at Hiwalayan

Priscilla, open maka-work si John pero 'di bet magpatuka

Ilalabas sa tatlong bersiyon ang ikalimang album ng grupo at available na ito for pre-order sa ilang websites.

Samantala, kasama sa album si Lay, dahil may partisipasyon siya sa recording ng Chinese version ng carrier track at sa music video.

Ang kanyang pagkakasali sa nasabing album ay nagresulta sa worldwide trending hashtag na “#EXOT9_ComingSoon.”

Ini-release ng EXO ang kanilang huling album na The War noong Hulyo nang nakaraang taon, na sinundan ng repackaged version ng The War: The Power of Music noong Setyembre. Ang kanilang nakaraang apat na album ay nakabenta ng mahigit isang milyong kopya bawat isa.

-JONATHAN HICAP