SA nabasa naming convo ni Direk Jerrold Tarog sa fans ni Liza Soberano, mararamdamang gustung-guso na ng fans na mapanood ang aktres sa Darna.

May nag-tweet: “Direk pakiumpisahan na Darna, inip na kami.” Sinagot naman ito ni Direk Jerrold ng “Yes po!”

May nag-tweet naman na ang concern ay ang costume ni Darna, at ang pakiusap ay gandahan ang costume: “Huwag chippy chippy” (read: cheap). Matagal na rin daw kasi silang naghihintay sa nasabing pelikula.

May hirit pa ang isang netizen: “Please ‘wag padadala sa dikta ng ‘di nakakatulong sa project. At ‘yung costume po ‘wag naman bikini, millennial na po tayo, like Wonder Woman, nag-iba na rin costume. Sexy pero ‘di bastusin.”

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Sagot ni Direk Jerrold: “Will do my best. ‘Yung costume let’s see kung anong requirements ng may-ari ng intellectual property. Also, masarap ang Chippy although mas Tortillos akong tao.”

Sa nagtanong naman kung may target shooting date na ang Darna, ang sagot ni Direk Jerrold: “Haha! Chill lang po. Binabasa ko pa ang scripts (oo, plural). Aaralin pa ang diskarte. Tsaka madami pang Goyo things na aasikasuhin.”

-Nitz Miralles