SA grand presscon ng newest Kapuso Telebabad series na Pamilya Roces, na nagsimula nang umere nitong Lunes, naka-one-on-one interview ni Yours Truly ang isa sa mga bida na si Carla Abellana.
Naitanong ni Yours Truly ang tungkol sa malaking pagkakahawig ni Carla kay Marian Rivera. Flattered ba siya kapag sinasabihan siyang magkahawig sila ni Marian?
“Lagi po ako nagte-thank you,” sagot ni Carla. “Unang araw ko pa lang sa showbusiness may mga nagsasabi na po ng ganyan sa akin na, ‘uy, puwede kayong magkapatid’.
“Palagi lang akong nagpapasalamat kasi at least naa-associate ako kay Marian na magkamukha kami, or puwede kaming magkapatid, ganun lagi.
“Kaya lagi naman akong thank you, thank you po. Hinahangad ko rin na magkasama kami sa isang project kaya lang hindi pa nangyayari, kasi marami ngang possibilities na mangyari sa TV man o sa pelikula. Puwede kaming magkasama pero hindi pa nga nangyayari.
“Maybe in God’s perfect time.”
At dahil ang istorya ng Pamilya Roces ay temang may first family na ang padre de pamilya ay may second family at third family pa, sinabi ni Carla na relate na relate siya, dahil ang biological father niya na si Rey PJ Abellana ay tatlo rin daw ang pamilya in real life. Pero sila raw ang first family
-MERCY LEJARDE