GINAPI ni Gino Angelo Asuncion si Jerson Pantalita sa labanan ng fancied bets sa sixth at final round para makopo ang korona sa 19 years old and below division, habang dinaig ni James Catayas si Gian Luis Navalta sa tie break points para maghari sa 11 years old and below sa katatapos na 2nd Dr. Marlonsky Youth Chess Cup Tournament sa Dr. Marlonsky Chess Center, Catalya Compound, Orchard Lane Homes sa Davao City.

Ang isang araw na Rapid event (15 minutes plus three seconds increment ) ay inorganisa ni General Surgeon Dr. Marlon Lepiten Sayson Jr., at suportado ng Mindanao Chessmastes and Knights of the Square Table, sa pangangasiwa nina FNA Joseph ‘Jojo’ Palero, NA Cecilio “Ely”Acas at NA Alfred Moulic.

Panalo si Hareve James Sumatra kontra kay Kurt John Placencia tungo sa two-way tie sa second place kasama si fellow five pointer Ryan Gabriel Rasay na namayani naman kay Wesley Jovan Magbanua.

Sa panig nina Catayas at Navalta na kapwa naakipon ng tig 5.5 points, subalit nakamit ng una (Catayas) ang mas mataas na tie break points kontra sa huli (Navalta) para magkampeon sa 11- years old and below division.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?