NAISAAYOS ng University of the Philippines ang men’s Finals rematch kontra reigning four-time titlist National University matapos ang 3-2 panalo kontra Ateneo nitong Lunes sa UAAP Season 81 badminton tournament.

Kumana sina JM Bernardo at Vinci Manuel sa 21-15, 21-15 panalo kontra sa tambalan nina Fides Bagasbas at Sean Chan sa second singles, habang nagwagi si rookie Kyle Legaspi kontra Carlo Remo, 21-12, 9-21, 21-17, sa deciding singles para sa Fighting Maroons.

Ibinigay ni Bernardo ang panalo ng UP, 24-22, 21-4, kontra Bagasbas sa first singles.

Sisimulan ng Bulldogs at Maroons ang best-of-three tie ganap na 8:00 ng umaga ng Miyerkoles sa Rizal Memorial Badminton Hall.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nakumpleto ng NU ang 6-0 elimination round sweep at sa kabuuan ay may 41 sunod na panalo sa ties.

Nakabawi ang Ateneo, nagwagi sa De La Salle sa first step-ladder nitong Linggo, nang magwagi si Keoni Asuncion kay Michael Clemente, 21-19, 21-14, sa second singles aat nanalo ang tambalan nina Remo at Asuncion kontra Betong Pineda at Harvey Tungul, 21-19, 21-14, sa first doubles.