PRODUKTO ng StarStruck 6 si Rocco Nacino noong 2015. Since then, mga seryosong teleserye ang ginawa ni Rocco sa GMA-7, until dumating itong dramedy na Pamilya Roces, na nag-pilot airing na kagabi.

Rocco copy

Sa bago niyang serye, magko-comedy si Rocco bilang si Hugo Javellana, ang karinyosong asawa ni Crystal Roces (Carla Abellana) na may posisyon sa Roces Group of Companies, at magkakaroon siya ng relasyon sa isa sa mga kapatid ni Crystal.

“Nahirapan po ako sa transition ng character ko, from drama to comedy,” pag-amin ni Rocco. “Isa pa, first time ko lang makakatrabaho si Carla Abellana. Nakakatawa nga dahil recently lang nakasabay ko siya sa eroplano to Los Angeles, California para sa GMA Pinoy TV, pero magkaiba kami ng show. Then pagbalik namin dito, the next thing we knew, magkatrabaho na kami rito ni Carla.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May iba palang ugali si Rocco kapag first time niyang makakasama ang leading lady niya. Sa first taping day ng soap, kahit hindi siya kasama sa eksena ay pumupunta siya sa taping.

“Pumunta po talaga ako sa set nito kahit wala akong eksena. Gusto ko lamang mag-observe kung paano magtrabaho ang leading lady ko. Ever since po naman ginagawa ko ‘yun, para maramdaman ko kung paano siya magtrabaho. Sinusulat ko sa script ko ang mga notes, para makuha ko ‘yung character na ginagampanan niya.”

Last teleserye ni Rocco sa GMA-7 ang Haplos with Sanya Lopez and Thea Tolentino. In between na bakante siya for three months, nag-show siya sa iba’t ibang lugar para sa GMA Pinoy TV, na in-enjoy niya dahil kung saan-saan siya nakararating, like sa Middle East at sa USA.

Hindi naman bago kay Rocco na maidirek ni Joel Lamangan, dahil nagkatrabaho na sila sa dalawang indie films, ang Hustisya at Burgos, kaya kabisado na niya ito.

Tinanong namin si Rocco kung totoong magpapakasal na sila ng girlfriend niya of one year na si Melissa Gohing.

“Wala pa po kaming plano, pero ako ang plano ko tapusin muna iyong ipinatatayo kong bahay. Mga seventy percent na itong tapos, may six rooms at ito na ang bahay ko at ng magiging asawa ko. Kaya ngayon, gusto ko munang matapos iyong bahay, kaya hataw pa ako sa trabaho.

“Kapag natapos na ito (ipinagagawang bahay), saka ko pag-iisipan kung dapat na ba akong magpakasal at magsimula ng sarili kong family. Basta sa ngayon, ang mahalaga sa akin matapos ko ang bahay ko.”

Sa Antipolo City nakabili ng lote si Rocco.

-Nora V. Calderon