Inihayag kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad ito ng mahigit sa siyam na sentimo kada kilowatt hour (kWh) sa bawas-singil sa kuryente ngayong buwan.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, aabot sa P0.0966/kWh ang ipatutupad nilang bawas-singil ngayong Oktubre.

Nangangahulugan ito ng tapyas na aabot sa P20-P50 sa bayarin ng mga consumer, depende sa kanilang konsumo.

Sinabi ni Zaldarriaga na ang mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan ay mayroong P19.32 bawas-singil sa monthly electric bill, habang P28.98 ang mababawas sa bayarin ng nakakakonsumo ng 300 kWh kada buwan, nasa P38.64 sa nakakagamit ng 400 kWh kada buwan, at P48.30 sa kumukonsumo ng 500 kWh bawat buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

-Mary Ann Santiago