NAKATAKDANG sumabak si Woman International Master Cristine Rose Mariano-Wågman sa nalalapit na Festival Juan Martinez Sola 2018 Liga International Chess Championships, isang Invitational, Round-Robin event na tutulak sa Nobyembre 1 hanggang 5, 2018 sa Almeria, Spain.
Kinilala bilang pinakabata sa edad na 14-anyos na nagwagi ng National title, haharapin ni Mariano-Wågman sina WFM Liudmila Kolotilina (2226) ng Spain, WIM Aleksandra Lach (2205) ng Poland, WIM Manuela Mader (2200) ng Spain, WFM Ana Redondo Benavente (2055) ng Spain, WFM Beatriz Garcia Porlan (2076) ng Spain, Rebeca Jimenez Fernandez (1917) ng Spain, Zofia Frej (1964) ng Poland at WFM Mireya Represa Perez (2151) ng Spain.
“This field is very competitive,” sambit ni Mariano-Wågman na suportado ang kanyang kampanya dito ng ASSU (Akademiska Schack Spellare Umeå), sa pamumuno ni Ms. Cathryn at Ms. Camilia.
Si Mariano-Wågman na dating mainstay ng Rockaden Umea Schack Klubb ang kauna-unahang Pinay chessplayer na naglaro sa AFP-PNP sa ilalim ng Philippine Airforce.
“I’m ready for the challenge,” ayon kay Mariano-Wågman, unang Pinay na nakakuha ng Arena Grandmaster (AGM) title sa online sa World Chess Federation at first Filipina FIDE instructor.